Trader itinumba ng tandem

RIZAL, Philippines  — Napaslang ang isang 46-anyos na negos­yante matapos ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa bayan ng Pililla, Rizal kahapon ng umaga. Hindi na umabot ng buhay sa Tanay General Hospital si Joel Cabotaje, 46, may-asawa, ng Sitio Bulacan 1, Barangay Halayhayin. Ayon kay PO2 June Dacay-og, lumilitaw na nakikipagkuwentuhan ang biktima sa kanyang kapitbahay na si Roger Palmar nang lapitan at pagbabarilin. Matapos ang insidente ay mabilis na humarurot papalayo ang mga suspek kung saan iniwang nakabulagta ang biktima.

Show comments