^

Probinsiya

Pulis itinumba sa reunion ng mga kaklase

- Ni Ed Casulla -

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Napaslang ang isang pulis-Barcelona matapos pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army sa reunion ng hayskul ng una sa Barangay Poblacion sa bayan ng Barcelona, Sorsogon kahapon ng madaling-araw.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Barcelona District Hospital si SPO1 Antonio Furio, 51, may asawa, nakatalaga sa Barcelona PNP station.

Lumilitaw na dumalo si SPO1 Furio sa alumni ng Barcelona National Comprehensive High School kung saan nakipagkuwentuhan sa mga dating ka­klase.

Dito na tinyempuhan ng mga rebelde ang biktima kung saan nagpulasan naman ang mga dumalo sa reunion sa takot na madamay.

Nabatid na nakihalubilo ang gunman sa mga bisitang nag-panic na lumabas mula sa loob ng gymnasium.

Ayon pa sa ulat, bago maganap ang pamamaril ay nakakatanggap na ng pagbabanta sa buhay ang biktima subalit binabalewala nito hanggang sa makasalubong si kamatayan.

ALBAY

ANTONIO FURIO

AYON

BARANGAY POBLACION

BARCELONA DISTRICT HOSPITAL

BARCELONA NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL

DITO

FURIO

LUMILITAW

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with