Police jeep vs truck: 2 parak sugatan

TALUGTUG, Nueva Ecija ,Philippines  – Sugatan ang dalawang pulis makaraang mabangga ang minamaneho nitong Willy’s Police Patrol Jeep sa kasalubong na six-wheeler truck sa Provincial Road, Brgy. Patola, rito, kamakalawa ng gabi. Nakilala ang mga biktimang sina PO2 Rolando Villa at PO1 Desil Ramos ng Talugtug Police Station na ngayon ay ginagamot sa Rural Health Unit ng Talugtug. Wala naman umanong nasugatan sa sakay ng Fuso Fighter Truck (WFE-807). Sa imbestigasyon, nabatid na dakong alas-10:30 ng gabi, pauwi na sa istasyon ang dalawang pulis sakay ng nasabing jeep (GTA-687) at galing sa bawat barangay ng munisipyo matapos na magpamigay ng registration form kaugnay ng “Takbo Laban sa Droga” na gaganapin sa San Jose City sa Mayo 18. Binabaybay umano ng jeep ang kurbadang lugar doon nang biglang bumulaga ang truck at naganap ang aksidente.

Show comments