^

Probinsiya

Konduktor nakatulog, nahulog mula sa bus

- Ni Tony Sandoval -

QUEZON, Philippines  – Sana’y maging aral sa mga kawani ng bus ang insidenteng ito kung saan isang konduktor na nakatulog ang iniulat na nasawi matapos mahulog mula sa pampasaherong bus sa Maharlika Highway sa Barangay Lungib sa bayan ng Calauag, Quezon, kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Rey Quino, 40, ng Ligao, Albay habang sumuko naman ang driver ng bus na si Willie Pacible, 48.

Ayon kay PO2 Janiel Salcedo, naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng madaling-araw habang patungong Bicol mula sa Maynila ang bus.

Lumilitaw na nakatulog ang biktima sa harapan ng bus at pagsapit sa kurbadang bahagi ng kalye ay nahulog ang biktima.

Napag-alamang nakaupo ang biktimang nakatulog sa unahan nang nagtuluy-tuloy na bumagsak sa sementadong kalye nang bumukas ang pintuan ng bus.

vuukle comment

ALBAY

AYON

BARANGAY LUNGIB

BICOL

BUS

CALAUAG

JANIEL SALCEDO

MAHARLIKA HIGHWAY

REY QUINO

WILLIE PACIBLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with