LEGAZPI CITY ,Philippines — Sumuko na kahapon ang pulis na self-confessed killer ng kaniyang karibal at misis na lover rin nito na pinagbabaril habang lulan ng kotse kamakalawa sa Brgy. Dapdap sa lungsod na ito.
Ang suspek na si Inspector Karl Jayson de la Cruz, Deputy Chief of Police ng Pio Duran, Albay, nasa hustong gulang, binata ay sumurender kay Albay Provincial Police Office Director P/Sr. Supt. William Macavinta.
Samantala ang biktima na nasawi ay si Eugene Aydalla, 32, may asawa, bank teller ng Land Bank, Legazpi Branch at ang kalaguyo nito na kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon sa hospital si Antonio Lorcha, 35, may asawa at pawang mga residente ng Guevarra Subd, Daraga, Albay.
Ayon kay Sr. Supt. Macavinta dakong alas 5:30 ng hapon ng bigla na lamang dumating sa kanyang tanggapan ang suspek at isinuko nito ang kanyang sarili bitbit ang cal 9 MM at inamin ang kanyang nagawang krimen.
Lumilitaw na love triangle ang motibo ng krimen dahilan ang suspek at ang nasawing misis ay may isang taon ng may relasyon at nagpaplano ng magsama. Ang nasabing misis ay hiwalay sa kaniyang asawa at may isang anak na 4-anyos na batang babae.