^

Probinsiya

Pulis na killer ng misis, kalaguyo sumuko

- Ni Ed Casulla -

LEGAZPI CITY ,Philippines  — Su­muko na kahapon ang pulis na self-confessed killer ng kaniyang karibal at misis na lover rin nito na pinagbabaril habang lulan ng kotse kamakalawa sa Brgy. Dapdap sa lungsod na ito.

Ang suspek na si Ins­pector Karl Jayson de la Cruz, Deputy Chief of Police ng Pio Duran, Albay, nasa hustong gulang, binata ay sumurender kay Albay Provincial Police Office Director P/Sr. Supt. William Macavinta.

Samantala ang biktima na nasawi ay si Eugene Aydalla, 32, may asawa, bank teller ng Land Bank, Legazpi Branch at ang kalaguyo nito na kasalukuyang nasa kritikal na kondis­yon sa hospital si Antonio Lorcha, 35, may asawa at pawang mga residente ng Guevarra Subd, Daraga, Albay.

Ayon kay Sr. Supt. Ma­cavinta dakong alas 5:30 ng hapon ng bigla na lamang dumating sa kanyang tanggapan ang suspek at isinuko nito ang kanyang sarili bitbit ang cal 9 MM at inamin ang kanyang nagawang krimen.

Lumilitaw na love triangle ang motibo ng krimen dahilan ang suspek at ang nasawing misis ay may isang taon ng may re­lasyon at nagpaplano ng magsama. Ang nasabing misis ay hiwalay sa kaniyang asawa at may isang anak na 4-anyos na batang babae.

vuukle comment

ALBAY

ALBAY PROVINCIAL POLICE OFFICE DIRECTOR P

ANTONIO LORCHA

DEPUTY CHIEF OF POLICE

EUGENE AYDALLA

GUEVARRA SUBD

KARL JAYSON

LAND BANK

LEGAZPI BRANCH

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with