SBMA, Philippines —Iginiit kahapon ni outgoing SBMA Administrator Armand Arreza na malugod na tinatanggap ng SBMA ang appointment ni SBMA director Roberto Garcia bilang bagong chairman nito. Ang turn-over ceremony ay gaganapin sa June 3 kung saan ay ililipat ni outgoing chairman Felicisimo Salonga ang pamumuno sa SBMA kay Garcia. Nilinaw din ni Arreza na walang katotohanan ang ulat na peke ang appointments ni incoming SBMA Administrator Rafael Santos. Aniya, inaayos lamang ni Santos ang ilang detalye sa kanyang pinapasukang private firm bago ito pumasok sa SBMA bilang kanyang kapalit na uupo sa July.