Jueteng personnel timbog sa Cagayan

SANTIAGO CITY, Philippines —Tatlong hinihinalang personnel ng jueteng ang naaresto ng mga awtoridad sa lalawigan ng Cagayan. Ayon kay Chief Superinten­dent Francisco Villaroman, Cagayan Valley police director, ang mga naaresto ay sina Jose Bartolome, Marieta Tumaneng at Charito Tumaneng, pawang mga residente ng Baggao, Cagayan. Siniguro din ni Villaroman na hindi puwedeng mamayagpag ang illegal na sugal sa nasabing rehiyon.

Show comments