^

Probinsiya

Kriminalidad, anomalya umiiral sa Lucban

- Ni Michelle Zoleta -

(Huling bahagi)

QUEZON, Philippines — Sa ngayon, may nakabinbing kaso sa deputy Ombudsman for Luzon si Mayor Villaseñor kasama ang vice mayor, ilang konsehal,  municipal accountant, municipal planning officer at municipal budget officer sa paglabag sa Section 3 ng Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices).

Ang reklamo ay isinampa ni Mercy Apuada, dating stall holder sa lumang public market.       

Ayon kay Apuada, pinangakuan siya at 75 iba pang stall holder na bibigyang prayoridad kapag natapos na ang ni-renovate na Lucban Public Market.

Subalit nang matapos na ang bagong palengke at buksan noong Hunyo 2008, 33-lamang sa 76 na dating stall holder ang binigyan ng bagong stall.

Sa ngayon, umaabot na sa 157 stall holders ang nasa public market, at sinasabing 112 sa kanila ay mga political supporter ni Villaseñor at mga kamag-anak ng mga miyembro ng Market Committee na itinatag din ni alkalde. 

Nang magtangka raw silang magtinda sa labas ng palengke na bagama’t may application sila sa munisipyo, inaresto sila ng mga tauhan ng alkalde sa paglabag  sa Municipal Ordinance No. 2008-01.

Sa sinumpaang salaysay ni Apuada na may petsang Marso 6, 2010, nagtanong siya kung may hihigit pang pagyurak sa kanilang pagkatao ang ipinakita sa kanila ng mga taong una nang dapat nagkakalinga sa kanila?

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES

APUADA

AYON

LUCBAN PUBLIC MARKET

MARKET COMMITTEE

MAYOR VILLASE

MERCY APUADA

MUNICIPAL ORDINANCE NO

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with