2 dedo sa road mishap

BULACAN, Philippines  – Dalawa-katao ang iniulat na nasawi sa naganap na magkahiwalay na road accident kamakalawa ng gabi sa Malolos City, Bulacan.

Kinilala ng pulisya ang mga namatay na sina Jose Siega 57, ng Brgy. Santisima Trinidad, Malolos City at Dan Frederick Dela Cruz, 31, ng Brgy. Catalina Bata sa bayan ng San Ildefonso, Bulacan.

Sugatan naman si Bernardino Pascual, 57, ng Brgy.Santisima Trinidad, Malolos City.

Base sa police report, magkasamang tumatawid sina Siega at Pascual sa kalsada sa Brgy. Barihan, Malolos City nang mahagip ng Izusu van (CTR-626 ) ni Martin Pangan kung saan namatay si Siega.

Sumuko naman sa pulisya si Pangan, 24, ng Campos,Talavera, Nueva Ecija at ang pahinante nitong si Crisanto Gamalinda, 36, ng Brgy. Malipangpang sa bayan ng San Ildefonso.

Samantala, si Dela Cruz na sinasabing naglalakad sa gilid ng Cagayan Valley Road sa San Ildefonso nang mahagip din ng pampasaherong jeepney (CNF-250) ni Gamalinda.

Show comments