NPA attack: 7 sugatan

Manila, Philippines - Limang sundalo at dalawang sibilyan ang iniulat na nasugatan makaraang ratratin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang peace and development team ng Philippine Army sa Barangay Mamuyao, sa bayan ng Tanay, Rizal kamakalawa. Kabilang sa mga nasugatan ay sina Pfc. Larry Lucas, Pfc. Marlon Nedua, Pfc. Rex Astuveza, Pfc. Jeofrey Canaveral, Pfc. Jason Justimbaste, Pfc. Marlon Malimban, Zosimo Sumarago Jr., 40; at si Cerafin de Dase, 25. Base sa police report, bandang alas- 9:45 ng gabi nang isagawa ng mga rebelde ang karahasan laban sa pangkat ng peace and development team ng Army’s 16th Infantry Battalion. Sumiklab ang 5-minutong bakbakan sa pagitan ng militar at NPA sa harapan ng Barangay Mamuyao Day Care Center kung saan nadamay ang 2 sibilyan. Nabatid na ang mga sundalong nasugatan ay kabilang sa naatasang tumulong sa mga proyekto ng komunidad at magbigay seguridad.

Show comments