3 paslit nalunod sa quarry site

Manila, Philippines - Humantong sa trahedya ang pagtatampisaw ng tatlong paslit sa quarry site na napuno na ng tubig ulan matapos na malunod sa Brgy. Margot, Angeles City, Pampanga  kamakalawa.Kinilala ang mga biktima na sina Mary Grace Salado,11-anyos; kapatid nitong si Ruzzel John,9 at kaibigang si Adrian Jerome Suba, 10; pawang mga bangkay na ng iahon sa naturang quarry site. Sa  report ni  Angeles City Police Director P/Sr. Supt. Rodolfo Recomo, dahil sa tindi ng init ng panahon,  nagkasundo ang mga biktima na maligo sa quarry site pero napadako sa malalim na bahagi nito na siya ng mga itong ikinasawi.Inaalam naman ng mga awtoridad kung may kaukulang permit mula sa lokal na pamahalaan ang quarry site.

Show comments