^

Probinsiya

Principal todas sa sunog

- Joy Cantos -

Manila, Philippines - Isang high school principal ang nasawi makaraang makulong ng apoy sa nasusunog nitong tahanan sa Bogo City, Cebu kahapon ng madaling-araw. Halos nagmistulang uling at hindi na makilala sa grabeng pagkasunog ng katawan ang biktimang si Jose Embert Catarata, 43-anyos ng marekober ang labi nito sa loob ng kaniyang kuwarto.Ang biktima ay principal sa Odlot National High School sa Brgy. Odlot sa lungsod ng Bogo. Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, bandang ala-1 ng madaling-araw ng tupukin ng apoy ang tahanan ni Catarata na matatagpuan sa Brgy. Gairan, Bogo City ng lalawigang ito. Nagresponde sa lugar ang mga bumbero at ang pulisya pero nabigo ng mailigtas ang biktima dahilan masyado ng malaki ang apoy. Samantalang nababalutan rin ng ‘iron grills’ ang bintana sa kuwarto ng biktima na narinig pa ng mga kapitbahay nitong sumisigaw sa paghingi ng tulong. (With Joana Zafra)

vuukle comment

BATAY

BOGO CITY

BRGY

CAMP CRAME

CATARATA

CEBU

GAIRAN

JOSE EMBERT CATARATA

ODLOT NATIONAL HIGH SCHOOL

WITH JOANA ZAFRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with