OLONGAPO CITY, Philippines —Matagumpay na nailunsad ang selebrasyon ng Sibit-Sibit Festival na taunang ginaganap sa Driftwood Beach Resort sa Barangay Barretto, Olongapo City.
Sinimulan ni Barangay Chairman Carlito Baloy ang nasabing piyesta noong 2006 kung saan hinango nito ang pangalang Sibit-Sibit mula sa salitang bancang-de-sagwan.
Dinagsa ng mga local at foreign tourist ang fluvial parade partikular na ang banca race ng de sagwan at de-motor kung saan ginanap ang konsiyerto noong Huwebes na nagtapos noong linggo ng hapon.
Sa kabila nito, hindi naiwasang batikusin ni Chairman Baloy si Olongapo City Mayor James Bong Gordon Jr. dahil sa ginawa nitong pagsabotahe sa buong barangay sa pamamagitan ng pagputol ng linya ng kuryente na dapat sana’y suportahan nito ang event na promosyon sa turismo.