Manila, Philippines - Napaslang ang isang miyembro ng robbery/holdap gang matapos na makipagbarilan sa mga pulis sa bayan ng Biñan, Laguna kahapon ng madaling-araw. Ayon kay P/Senior Supt. Gilbert Cruz, PNP provincial director, bandang alas-2:10 ng madaling-araw nang sumiklab ang shootout sa Brgy. Sta. Clara Norte. Nabatid na naglatag ng checkpoint ang pulisya kaugnay sa kinarnap na motorsiklo sa bisinidad ng Pila Coliseum. Nasabat ng pulisya sa pamumuno ni P/Senior Supt. Owen Banaag II ang mga suspek na lulan ng motorsiklo habang papatakas na agad pinaputukan ang mga awtoridad na nauwi sa shootout at napatay ang isa sa dalawang holdaper.