10-anyos nag-dive mula sa 3rd floor

Manila, Philippines - Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang batang babae matapos mahulog mula sa may 35 talampakang mataas na gusali habang nanonood ng beauty pa­geant sa Barangay Poblacion, Banaue, Ifugao kamakalawa.

Kinilala ni Cordillera Police Regional Director P/Chief Supt. Villamor Bumanglag, ang nasa kritikal na kalagayang si Melanie Gumuwang, 10, ng Angadal, Poblacion ng nasa­bing bayan.

Nagtamo ng grabeng pinsala sa katawan at pagkabali ng kaniyang mga buto na patuloy na isinasalba ang buhay sa ospital.

Lumilitaw sa imbestigasyon, na naganap ang insidente sa nabanggit na lugar dakong alas-3 ng madaling-araw. 

Nabatid na ang biktima ay nanonood ng search for Miss Embayah 2011 kung saan umakyat ito sa ikatlong palapag na gusali sa lugar kasama ang ilang kaibigan.

Sa kasagsagan ng beauty pageant na inabot ng madaling-araw at labis na katuwaan ng bata ay nawalan ito ng balanse hanggang sa mag-dive mula sa tuktok ng ginagawang gusali.

Samantala, patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

Show comments