^

Probinsiya

Tsinoy trader kinidnap sa Jolo

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Bumanat muli ang mga pinaghihinalaang bandidong Abu Sayyaf matapos na dukutin ang isang negosyanteng Filipino-Chinese sa Sitio Lambayong, Brgy. Busbus, Jolo, Sulu nitong Biyernes ng hapon. Kinilala ang biktima na si Nelson Lim, 67, may-ari ng Times Hardware and Plaza Panceteria sa kapitolyo ng Jolo. Bandang alas-5:30 ng hapon nitong Biyernes nang dukutin ng pitong mga armadong suspect ang biktima sa nasabing lugar. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, kasalukuyang pauwi na ang biktima nang harangin ng mga armadong suspek saka agad itong tinutukan ng baril at kinaladkad sa naghihintay na getaway vehicle. Ang biktima ay tina­ngay ng mga suspect sa direksyon ng Brgy. Sandah, Patikul, Sulu, isa sa mga balwarteng lugar ng mga bandidong Abu Sayyaf sa lalawigan. Bandang alas-6:30 ng gabi naman ng marekober nang tumutugis na tropa ng Philippine Marine Landing Team (MBLT) 5 ang kulay itim na L 300 van (JBY-608) na ginamit ng mga bandido sa pagtangay sa biktima. Base sa impormasyon   ang grupo ni Abu Sayyaf Sub-Commander Asman Sawadhaan ang nasa likod ng pagdukot sa nasabing biktima.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF SUB-COMMANDER ASMAN SAWADHAAN

BANDANG

BIYERNES

BRGY

JOLO

NELSON LIM

PHILIPPINE MARINE LANDING TEAM

SITIO LAMBAYONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with