Kinalasan ng nobya, binata naglason

MEYCAUAYAN CITY, Bulacan , Philippines — Hinihinalang pakikipagkalas ng girlfriend at kawalan ng mapapa­sukang trabaho ang na­ging dahilan upang kitlin ng isang 22-anyos na binata ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner matapos na matagpuan itong nakabulagta sa loob ng kanyang bahay.

Hindi na umabot pang bu­hay sa   ospital ang bikti­ma na kinilalang si Darwin Untal residente ng Pineville Subd., Brgy. Lawa sa siyudad na ito.

Base sa imbestigasyon dakong alas-9:10 ng umaga nang matagpuan ng kaniyang mga magulang ang katawan ng biktima sa loob ng kuwarto nito katabi ang isang bote ng likido.

Napag-alaman din na naging malulungkutin ang biktima nitong mga nakaraang araw at isiniwalat sa kanyang ama ang suliranin na pinaniniwalaang dahilan nang isinagawa nitong pagpapakamatay.

Show comments