^

Probinsiya

Bangkay ng nawawalang piloto natagpuan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isa pang bangkay ng na­wawalang piloto sa bumagsak na trainer jet kamakalawa ng Philippine Air Force (PAF) ang natagpuan habang lumulutang sa karagatan ng Bagac, Bataan kahapon ng umaga.

Kinumpirma ni PAF Spokesman Lt. Col. Miguel Ernesto Okol ang pagkakatagpo sa nagutay ring labi ng nasawing si Capt. Raymond de Leon na narekober dakong alas-6:20 ng umaga ng search and rescue team ng Philippine Coast Guard.

Ang bangkay ng biktima ay dadalhin sa bayan nito sa Balanga, Bataan.

Una rito, narekober ang nagkalasug-lasog na kata­ wan ng instructor pilot na si Major Ephraim Suyom, Class Valedictorian ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1997, ilang metro sa crash site sa karagatan ng Stella Maris Beach Resort sa Sitio Look, Brgy. Banawang sa bayan ng Bagac.

Ang Sikorsky S-211 trainer jet na pinalilipad nina Suyom at de Leon ay bumagsak sa naturang lugar dakong alas-3 ng hapon nitong Biyernes.

Kaugnay nito, ipinag-utos naman ni PAF Chief Lt. Gen. Oscar Rabena ang ‘grounding­’ ng dalawa pang Sikorsky trainer­ jet.

ANG SIKORSKY S

BAGAC

CHIEF LT

CLASS VALEDICTORIAN

MAJOR EPHRAIM SUYOM

MIGUEL ERNESTO OKOL

OSCAR RABENA

PHILIPPINE AIR FORCE

PHILIPPINE COAST GUARD

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

SITIO LOOK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with