2 wanted tiklo

KAMPO ALEJO SANTOS, Malolos City, Philippines  — Nalambat ng pulisya ang No.1 at No.5 most wanted na kriminal sa lalawigan ng Bu­lacan sa magkakahiwalay na operas­yon, ayon sa opisyal ng pulisya kahapon.

Kinilala ni Bulacan Provincial Director P/SSupt.Fernando Mendez Jr. ang dalawang nasakoteng wanted na sina Sonny Balagtas 32-an­yos ng Candaba, Pampanga, No. 1 sa talaan at ang No.5 wanted na si Ricardo Bagsik 57, residente ng Brgy. Ba­lubad sa bayan ng Bulakan.

Nabatid na si Balagtas ay nasakote habang nagtatrabaho sa isang lugar sa SBMA sa Subic, Zambales kaugnay ng kaso nitong murder na walang inirekomendang piyansa sa pamamaril at pagkakapatay sa biktimang si Engineer Henry Liwanag noong Mayo 16, 2008 sa Pulilan, Bulacan.

Samantala naaresto naman si Bagsik sa kanyang pi­­nagtataguang lugar sa Brgy. San Jose, San Miguel, Bulacan dahil sa ipinalabas na warrant of arrest ni Regional Trial Court Branch 17 Judge Ma. Teresa Men­doza-Arce­ga dahil sa kasong pagpatay noong Marso 24, 2005.

Show comments