Inakalang kalaban, inutas

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines – Pinaniniwalaang napagkamalang kalaban kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang anak ng barangay kagawad sa naganap na panibagong karahasan kamakalawa sa Sitio Tipon-Tipon, Barangay Bulawan sa Sipocot, Camarines Sur. Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Ryan Vargas 24, magsasaka, anak  ni Kagawad Demokrito Vargas ng Barangay Casay sa bayan ng Lupi, Camarines Sur. Lumilitaw na lulan ng motorsiklo ang biktima nang tambangan ng mga armadong lalaki. Nabatid na napagkamalan kalaban ang biktima na sinasabing kamukha at kapareha ng motorsiklo ang pakay ng gunmen.

Show comments