3 tulak tiklo sa buy-bust

BULACA, Philippines  – Tatlo-katao na sinasabing notoryus sa pagpapakalat ng bawal na droga ang nadakma sa isinagawang magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa Meycauayan City, Bualcan kahapon ng umaga. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Fernando Mendez, kinilala ang mga suspek na sina Cristina “Tekla” Buan, 44, ng  Brgy.Poblacion 1 sa bayan ng Marilao; Lorna Mendoza, 40, ng Brgy. Malhacan at Ramil Magdaraog, 32, ng Brgy. Bancal. Ayon kay P/Supt. Eric Noble, ang tatlo na sinasabing lantarang nagbebenta ng shabu ay nadakma sa bisinidad ng Brgy. Malhacan at Brgy. Bancal. Narekober ang ilang gramo ng shabu habang pormal naman kinasuhan ang tatlo na nakapiit sa himpilan ng pulisya.

Show comments