RIZAL, Philippines — Hindi na nakapag-enroll sa kolehiyo ang isang 17-anyos na binatilyo matapos na magbigti sa loob ng kaniyang kuwarto sa Purok 2, Sitio Lupang Arienda sa Barangay Sta. Ana sa bayan ng Taytay, Rizal kahapon. Bandang alas-10:45 ng umaga nang natagpuan si Kerby Scalengua, dentistry student sa U.P. Manila na nakabitin sa kisame. Ayon kay P02 Aries Sombra, huling namataang buhay ang biktima sa loob ng kanyang kuwarto kung saan pinagsabihan ng ina na magtungo sa eskuwelahan para mag-enroll. Subalit nag-alala ang ina dahil walang sumasagot sa kuwarto ng kanyang anak kaya tinungo ito at bumulaga ang nakabiting katawan ng biktima. Patuloy naman ang pagsisiyasat.