Manila, Philippines - Isa ang kumpirmadong nasawi matapos na bumagsak ang fighter jet ng Philippine Air Force sa bahagi ng Barangay Banawang, Stela Mariz Beach Resort sa bayan ng Bagac, Bataan kahapon ng hapon.
Ayon kay AFP- Northern Luzon Command Chief Lt. Gen. Gaudencio Pangilinan, bandang alas-3 ng hapon nang bumagsak ang Sikorsky S211.
Ayon kay Pangilinan, ang nasabing fighter jet na pinalilipad nina Major Ephraim Suyom, class valedictorian ng Philippine Military Academy (PMA) Class ‘97 ay nagtake-off sa Basa Air Base sa Pampanga bandang alas-2:32 ng hapon kung saan ilang minuto pa ay nagloko ang makina saka tuluyang bumagsak.
Ang fighter jet ay nagkapira-piraso bunga ng insidente kung saan bumagsak ito may 100-metro ang layo mula sa tabing dagat.
“The aircraft was totally wrecked due to the strong impact of the crashed,” pahayag ni Pangilinan.
Tumanggi si Pangilinan na tukuyin ang pangalan ng nasawing biktima pero ayon kay Bataan Provincial Police Office Director P/Senior Supt. Arnold Gunnacao na nakuha sa bulsa ng bangkay ang ID ni Soyum mula sa Air Defense Wing na nakabase sa Basa Airbase.
Hindi pa mabatid kung saan napadpad si de Leon habang patuloy na sinusuyod ng Army’s 24th Infantry Battalion ang binagsakan ng fighter jet.
Kaugnay nito, dalawang Sikorsky plane mula Villamor Air Base ang nagtungo na sa nabanggit na lugar habang patuloy naman ang imbestigasyon.