^

Probinsiya

Fighter jet bumagsak: Piloto utas

- Joy Cantos -

Manila, Philippines - Isa ang kumpirmadong nasawi matapos na bumagsak ang fighter jet ng Philippine Air Force sa bahagi ng Barangay Banawang, Stela Mariz Beach Resort sa bayan ng Bagac, Bataan kahapon ng hapon.

Ayon kay AFP- Northern Luzon Command Chief Lt. Gen. Gaudencio Pangi­linan, bandang alas-3 ng hapon nang bumagsak ang Sikorsky S211.

Ayon kay Pangilinan, ang nasabing fighter jet na pinalilipad nina Major Ephraim Suyom, class valedictorian ng Philippine Military Academy (PMA) Class ‘97 ay nagtake-off sa Basa Air Base sa Pampanga bandang alas-2:32 ng hapon kung saan ilang minuto pa ay nagloko ang makina saka tuluyang bumagsak.

Ang fighter jet ay nagkapira-piraso bunga ng insi­dente kung saan bumagsak ito may 100-metro ang layo mula sa tabing dagat.

 “The aircraft was totally wrecked due to the strong impact of the crashed,” pahayag ni Pangilinan.

Tumanggi si Pangilinan na tukuyin ang pangalan ng nasawing biktima pero ayon kay Bataan Provincial Police Office Director P/Senior Supt. Arnold Gunnacao na nakuha sa bulsa ng bangkay ang ID ni Soyum mula sa Air Defense Wing na nakabase sa Basa Airbase.

Hindi pa mabatid kung saan napadpad si de Leon habang patuloy na sinusu­yod ng Army’s 24th Infantry Battalion ang binagsakan ng fighter jet.

Kaugnay nito, dalawang Sikorsky plane mula Villa­mor Air Base ang nagtungo na sa nabanggit na lugar habang patuloy naman ang imbestigasyon.

AIR BASE

AIR DEFENSE WING

ARNOLD GUNNACAO

AYON

BARANGAY BANAWANG

BASA AIR BASE

BASA AIRBASE

BATAAN PROVINCIAL POLICE OFFICE DIRECTOR P

GAUDENCIO PANGI

PANGILINAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with