Obrero pisak sa trak

QUEZON , Philippines —Napisak ang ulo ng isang 22-anyos na obrero habang malubha naman ang kanyang kaibigan matapos masalpok ang kanilang motorsiklo ng Isuzu Elf trak sa Maharlika Highway sa Barangay Ibabang Dupay, Lucena City, Quezon kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Aldwin Cantos ng Barangay Mayao Parada, habang ginagamot naman sa Quezon Medical Center si Gilbert Natal, 32. Ayon kay PO3 Aldin Ranola, lumilitaw na natumba ang motorsiklo ng magkaibigan sa harapan ng gasolinahan kung saan nahagip naman ng trak ni Jonathan Pahilagmago, 28, ng Ermita, Manila. Tinangkang tumakas ng driver su­balit nakorner ng ilang kalalakihan at dinala sa himpilan ng pulisya.

Show comments