Misis inararo ng trak

MANILA, Philippines - Patay ang isang 27-anyos na misis matapos na araruhin ng delivery  truck ang bahay na nasa gilid ng highway sa Purok 7, Barangay de Oro sa Butuan City, Agusan del Norte kamakalawa. Idineklarang patay sa Butuan City Medical Center si Hilda Montera. Base sa police report, nawalan ng control ang cargo truck (KEV 397) ni Jovert Pesesano na patungong Barangay Taguibo mula sa Davao City. Ayon sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol sa manibela si Pesesano bunsod upang suyurin nito ang bahay  ng biktima na nasa tabi sa kaliwang bahagi ng highway. Tinutugis naman ng pulisya ang driver at pahinante ng delivery truck na tumakas matapos ang insidente.

Show comments