Kagawad, 2 pa tiklo sa shabu tiangge

CAVITE ,Philippines  – Kalaboso ang isang barangay kagawad at dalawang iba pa matapos maaresto sa sinalakay na shabu tiangge sa bahagi ng Barangay Sap Sap, Ca­vite City kamakalawa.­

Kinilala ng hepe ng PDEA Calabarzon na si Jeffrey Bangsa ang mga suspek na sina Barangay Kagawad Evelyn Viray na sinabing pamangkin ng barangay chairman; Gilbert Cayas at  Jen­nifer Nazareno na pawang nakatira sa nasabing barangay. Ayon sa ulat, ganap na alauna ng hapon nang salakayin ng grupo ng PDEA katuwang ng mga pulis-Cavite matapos ang ilang araw na surveillance Nabatid na sunud-sunod na reklamo ang natatanggap ng mga awtoridad kaugnay sa lantarang bentahan ng shabu sa nasabing barangay kaya nag-apply at nakakuha sa korte ang PDEA ng search warrant laban sa mga suspek.

Show comments