Clan war: 2 utas
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Dalawa-katao ang kumpirmadong napatay habang tatlong iba pa ang malubhang nasugatan matapos magsagupa ang dalawang angkan sa Sitio Iliw –Iliw, Barangay Taboc sa bayan ng Juban, Sorsogon. Kinilala ang nasawi na sina Manuel Palero, 55; at Carlito Bercasio habang sugatan naman sina Jay Palero, 17; Rudy Bercasio, at si Reuby Hagos, 31. Batay sa ulat ng pulisya, nagsagupa ang pamilya Palero at Bercasio na may mga bitbit na itak at baril. Lumilitaw sa ulat ng pulisya na agawan sa lupain ang isa sa motibo ng dalawang angkan para magsagupa.
- Latest
- Trending