^

Probinsiya

8-anyos dedo sa kalaro na 13-anyos

- Ni Tony Sandoval -

LUCENA CITY, Que­zon ,Philippines  – Napatay ang isang 8-anyos na batang lalaki matapos mabaril ng kanyang kalaro na 13-anyos sa palaisdaan sa Purok 7, Barangay Dalahican sa Lucena City, Quezon kamakalawa ng umaga.

Sa ulat na tinanggap ng hepe ng pulisya na si P/Supt. Alex Orfanel, kinilala ang nasawi na si Aronjay Quisana habang nasa kustodya ngayon ng City DSWD ang suspek na itinago sa pangalang Mark na kapwa residente ng nasabing barangay.

Ayon kay PO3 Aldin Ranola, natagpuan ang katawan ng biktima sa guard house ng fishpond na sinasa­bing pagmamay-ari ng pamilya Raymundo.

Lumilitaw sa imbestigasyon na naglalaro ang dalawa sa fishpond nang nakita ng suspek ang improvized na riple sa loob ng guard house.

Hindi naman ina­kala ng suspek na may bala ang riple kaya itinutok sa dibdib ng kalaro kung saan biglang pumutok matapos makalabit ang katilyo.

Pansamantalang pinigil ng pulisya ang katiwala ng palaisdaan na si Domingo Raymundo na sinasa­bing may-ari ng baril at posibleng panagutin sa pagkamatay ng biktima.

vuukle comment

ALDIN RANOLA

ALEX ORFANEL

ARONJAY QUISANA

AYON

BARANGAY DALAHICAN

DOMINGO RAYMUNDO

LUCENA CITY

LUMILITAW

NAPATAY

PANSAMANTALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with