QUEZON , Philippines – Siyam-katao ang nasugatan matapos mahulog ang pampasaherong van sa ilog na sakop ng Barangay Canda Ibaba sa bayan ng Lopez, Quezon, kamakalawa ng madaling-araw. Kabilang sa naisugod sa ospital ay sina Jose Bermudo, driver; Maricel Rana, Mhel Rose Gimotea, Jennifer Futon, Jose Bermudo Brinces Sr., Jose Brinces Jr., Richel, Anaberl, Angelie at Eduardo na pawang nakatira sa Sorsogon. Sa ulat ni PO3 Rodel Paloma, sumabog ang gulong sa unahan ng H100 van habang tinatahak ang Maharlika Highway patungong Maynila. Dito nawalang control sa manibela ang drayber kaya sumalpok sa railing ng Inaclagan Bridge saka nahulog sa ilog. Na-rescue naman ang mga biktima bago dinala sa ospital.