Pampasaherong bus nasunog

QUEZON , Philippines  — Tinatayang aabot sa P5 milyong ari-arian ang naabo matapos masunog ang pampasaherong bus sa Quirino Highway sa Barangay San Vicente, Tagkawayan, Quezon kamakalawa ng gabi.

Ayon kina PO1 Ronal­do Dionido at SFO2 Aldin Pana­ligan, patungong Maynila ang Philtranco Bus (EVK-184) nang mamataan ng driver na si Joser Tanara na  umuusok ang hulihang ba­hagi ng sasakyan na ki­nalalagyan ng makina.

Inihinto ng driver ang bus at pinababa ang 18 pasahero saka binuhusan ng tubig ang makina subalit patuloy na lumiyab hanggang sa tupukin ang kabuuan ng sasakyan Tinupok din ang P97,000 halaga ng ari-arian ng mga pasahero kung saan sinasabing nag-init ang linya ng kuryente sa bus. 

Show comments