Killer ng BIR executive tiklo

MANILA, Philippines - Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang executive ng Bureau of Internal Revenue (BIR)l sa Antipolo City noong Pebrero 2011. Kinilala ni PNP-CIDG Director P/Chief Supt. Samuel Pagdilao Jr., ang suspek na si Armando “Manding” Carino na sinasabing bumaril at nakapatay kay Marcelino Yap, 46, regional district officer ng BIR sa District 45. Base sa tala ng pulisya, si Yap na lulan ng kotse kasama ng kanyang bodyguard sa harapan ng L and M Grill and Restobar nang pagbabarilin ng suspek.

Show comments