Umatras sa gulo dinedo

CAVITE, Philippines – Isang 45-anyos na construction worker na sinasabing umatras sa kaguluhan ang iniulat na napatay matapos saksakin ng kanyang nakaalitang lalaki sa Barangay San Roque, Cavite City, Cavite kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot ng buhay sa Dra. Salamanca Hospital si Rogelio Enriquez habang nasakote naman ang suspek na si Joselito Ramos, 41, shoe maker at kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Sa police report na nakarating kay ni P/Supt. Rommel Javier, nagkasalubong ang dalawa kung saan hinamon ng suntukan ng suspek ang biktima. Gayon pa man, tumanggi ang biktima sa kagustuhan ng suspek kaya naganap ang krimen.

Show comments