^

Probinsiya

9 opisyal ng barangay tiklo sa UN rice donation

- Artemio Dumlao -

BAGUIO CITY, Philippines - Siyam na opisyal ng barangay sa Baguio City ang inaresto ng intelligence operatives ng Cordillera PNP noong Martes kaugnay sa kasong iligal na pamamahagi ng bigas na sinasabing donasyon ng United Nations.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Cleto Villacorta III ng Regional Trial Court Branch 6 sa kasong malversation through falsification of public documents sa ilalim ng criminal case no. 13470, dinakma ang mga suspek na sina Rodolfo Tomas Abides, Cyril Pasigon, Marvin Piados, Rosalinda Catbagan, Mercy Ponso, Myrna Albero, Jimmy Concepcion, Dencio Almag, at si Gil Lomboy na pawang mga opisyal sa Barangay Country Club sa nabanggit na lungsod.

Dinala sa Camp Dang­wa ang mga suspek bago dalhin kay Judge Villacorta para sagutin ang akusas­yon laban sa kanila.

Malakas naman ang paniniwala ng mga opisyal ng barangay na may bahid-politika ang pagkakaaresto sa kanila matapos nilang ipamahagi ang saku-sakong bigas na donasyon ng UN sa mga presidente na nakibahagi sa barangay bayanihan project.

 “We used the rice donation in good faith and never intended to divert it for ourselves,” pahayag pa ng mga opisyal ng barangay.  

“The use of the rice donation was not specified by the donors,” dagdag pa nila.

BAGUIO CITY

BARANGAY COUNTRY CLUB

CAMP DANG

CYRIL PASIGON

DENCIO ALMAG

GIL LOMBOY

JIMMY CONCEPCION

JUDGE CLETO VILLACORTA

JUDGE VILLACORTA

MARVIN PIADOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with