^

Probinsiya

Palawan cholera outbreak: Lumobo sa 500

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Lumobo na sa 500-katao ang dumanas ng diarrhea sa lumalalang cholera outbreak sa bayan ng Bataraza, Palawan, ayon sa opisyal kahapon.

Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umaabot na sa 562 katao ang dinapuan ng diarrhea.

Ayon sa NDRRMC, tumaas mula sa naitalang  430 kaso ng  diarrhea noong Abril 12 taliwas naman sa pahayag ng Department of Health na kontrolado na ng lokal na health officials ang pananalasa ng cholera.

“Cases continue to increase with the last case reported on April 17,” ayon sa ulat ng NDRRMC kung saan nasa 20-katao ang nasawi habang 90 iba pa ang ginagamot sa ospital.

Sa 22 barangay sa bayan­ ng Bataraza, aabot na sa17-katao ang apek­tado ng outbreak habang pinakamatinding tinamaan ay ang Brgy. Culan­danum na nasa 52.28% ang diarrhea­ cases, sinundan ng mga Barangay. Tarusan at Barangay Rio Tuba.

Karamihan sa apektado ng diarrhea ay mga katutubong Palao-an na may edad isang-buwang gulang hanggang 90-anyos.

Nabatid na naobserbahan ng mga health worker­ sa mga barangay na sinalanta ng cholera ay nakaugaliang ilibing ang mga bangkay ng kanilang kamag-anak ay malapit sa pinagkukunan ng tubig-inumin habang ang ma­yorya ay sa mga ilog lamang umi­inom.

Wala ring maayos na palikuran ang mga residente kaya kung saan-saan itinatapon ng mga residente ang kanilang dumi at bihirang pinapakuluan ang inuming tubig.

Magugunita na ang cho­lera outbreak na unang naitala sa mahigit 200-katao ay nagsimula noong Marso 2011.

ABRIL

AYON

BARANGAY RIO TUBA

BATARAZA

BRGY

CULAN

DEPARTMENT OF HEALTH

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with