High school principal itinumba

IBAAN, Batangas  ,Philippines – Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang isang high school principal matapos barilin ng hindi pa kilalang lalaki habang naglalakad sa loob ng school campus sa Barangay Talaibon, Ibaan, Batangas kahapon ng tanghali. Kinilala ni P/Senior Supt. Rosauro Acio, Batangas PNP director ang napaslang na si Julian Rianzares, Jr., 56, ng Barangay San Pedro, Sto. Tomas, Batangas at principal sa Don Juan A. Pastor Memorial National High School. Ayon sa police report, naglalakad na si Rianzares papunta sa kanyang opisina matapos dumalo ng meeting ng mga magulang ng estudyante nang biglang lapitan at barilin sa ulo bandang alas-12:05 ng tanghali. Isinugod pa sa Queen Mary Hospital si Rianzares subalit idineklarang patay kung saan patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments