P1M ransom sa pinalayang trader

MANILA, Philippines - Pinalaya na ng mga kidnaper si Joel Indino Jr. matapos na magbayad ng ransom na P1 milyon, ayon sa pulisya kahapon. Base sa ulat na nakarating sa Camp Crame, si Indino na sinasabing dinukot noong Enero 29 sa Zamboanga City, ay inabandona sa bisinidad ng Payao sa Zamboanga, Sibugay ganap na alas-7:30 kamalawa ng gabi. Agad na dinala si Indino sa kampo ng pulisya sa Zamboanga Sibugay para sa medical checkup at debriefing. Gayon pa man, hindi pa nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ang pamilya ni Indino kaugnay sa nasabing isyu.

Show comments