5 kidnaper timbog

Manila, Philippines - Bumagsak sa pinagsanib na elemento ng Philippine Marines at pulisya ang limang pinaghihinalaang miyembro ng Pentagon kidnap-for-ransom (KFR) gang matapos maharang ang mga ito sa checkpoint kahapon ng madaling-araw sa Cotabato City.

Nakilala ang mga na­dakip na sina Morshid Ma­bang, Nonoy Masdal, Bayang Masdal, Samindatu Muda at Mahatma Ampatuan; pawang ng Brgy. Macasampen, Guindolongan, Maguindanao.

Pasado alas-12 ng madaling-araw ng masakote ang mga suspect sa kahabaan ng Sinsuat Avenue ng lungsod.

Ang mga suspect ay lulan ng isang kulay asul na van at pawang armado ng mga hand guns at hand grenades.

Pinaniniwalaang ang mga suspek ay may pla­nong mangidnap sa lungsod na nabulilyaso matapos masakote ang mga ito.

Show comments