Bus vs van: 29 sugatan

DINALUPIHAN, Bataan, Philippines – Aabot sa 29-katao ang nasugatan habang pito naman ang nasa malubhang kalagayan ng sumalpok ang minibus sa isang van saka inararo ang kakahuyan sa gilid ng highway sa bahagi ng Barangay Bangal sa bayan ng Dinalupihan, Bataan kamakalawa. Kabilang sa mga pasahero na malubhang nasugatan at ngayon ay nasa James Gordon Hospital ay sina Eleonor Mallari ng Bacong Hermosa; Jenifer dela Cerna ng Rosebelt, Dinalupihan; Gloria de Vera ng San Benito, Dinalupihan; Donald Orara ng Olongapo City; Bernardo Bautista driver ng Kia van, ng Tipo, Hermosa; John dela Cruz ng Tipo; at si Reynaldo Bautista ng Tipo. Sa ulat ni P/Senior Supt. Arnold Gunnacao, nawalan ng preno ang minibus (CXR104) ni Alex Diwa na patungong Olongapo City mula sa Maynila nang mawalan ng preno. Dito na sinalpok ng minibus ang Kia van (PJI992) ni Bernardo Bautista.

Show comments