Holdaper dedo sa shootout

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Isa sa apat na miyembro ng robbery hold-up gang ang iniulat na nasawi matapos na makipagbarilan sa mga awtoridad sa inilatag na checkpoint sa Barangay Planza sa bayan ng San Fernando, Camarines Sur kahapon ng madaling-araw. Nakilala ang napatay na si Romeo Estriba habang tugis naman ng pulisya ang iba pang holdaper. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Victor Deona, nagbabantay sa checkpoint ang pangkat ng PNP nang mag u-turn ang kotseng may plakang XED 885 at paputukan ang mga awtoridad. Kaagad na gumanti ang mga awtoridad kung saan nasawi si Estriba habang ang iba naman ay nagpulasan sa iba’t ibang direksyon.

Show comments