Negosyanteng misis itinumba

QUEZON, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang negosyanteng misis ng dalawang di-kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo sa Barangay Poblacion 2 sa bayan ng Tiaong, Quezon kamakalawa ng gabi. Apat na bala ng baril sa dibdib ang tumapos sa buhay ni Josefina Moog. Ayon kay PO2 Roderick Lagrazon, nasa loob ng Josie‘s sari-sari store ang biktima nang ratratin. Hindi naman idinamay ang pamangking babae ng biktima na natulala sa nasaksihang krimen.

Show comments