RIZAL, Philippines - Lima-katao kabilang ang PAF colonel ang iniulat na nasugatan makaraang mag-crash landing ang chopper ng Philippine Air Force (PAF) sa bakanteng lote sa Daan Putol, Barangay San Isidro sa bayan ng Taytay, Rizal kahapon.
Kabilang sa mga nasugatan ay sina Lt. Col. Robert Bitas Jr, Lt. Paul Yu, Air Force 2nd Class Elias Alinday Jr., Staff Sgt. Ruel Ruelin at si Sgt. Edmund Cubilla na pawang sundalo sa Philippine Air Force at nagsasagawa ng routine training mission.
Ayon kay P/Senior Supt. Cesar Prieto, Rizal PNP director, lulan ng Huey helicopter ang mga biktima nang biglang magloko ang makina sa ere kaya pinilit ng piloto na mag-emergency landing sa bakanteng lote kung saan sa lakas ng pagkakasadsad ay nasugatan ang lima.
“A team from the Air Force Safety Office is currently investigating the incident to ascertain the cause of the hard landing and assess the damage of the aircraft,” pahayag ni Lt. Col. Miguel Ernesto Okol na tumatayong spokesman ng Phil. Air Force. Mer Layson at Joy Cantos