^

Probinsiya

Nagbarilan sa kapitolyo: Pulis, barangay chairman bulagta

- Ni Myds Supnad -

VIGAN CITY, Ilocos Sur, Philippines – Nagmistulang war zone ang loob ng provincial capitol matapos magbarilan ang barangay chairman at isang pulis na kapwa bumulagta noong Lunes ng tanghali.

Kinilala ni P/Senior Supt. Eduardo Dopale, ang dalawang namatay na sina Chairman Willie Terrago ng Barangay Daclapan, Cabugao at SPO1 Rommel Rebuldela, nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa Ilocos Sur at kapwa nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa ulo at katawan.

Lumilitaw na nagkasalubong ang dalawa sa gusali ng kapitolyo na sinasabing kapwa may kinikimkim na galit sa isa’t isa. Dito na sumiklab ang barilan kung saan nagpulasan ang mga kawani at residente sa takot na madamay.

Ayon sa police report, tinamaan ng ligaw na bala ng baril ang isang kawani ng Vigan City Hall na si Anabel Tabaniag kung saan nagpapagaling sa ospital.

Tinutugis naman ng pu­l­is­­ya ang tumakas na escort ni Chairman Terrago na may bitbit na M16 Armalite rifle at sinasabing bumaril din kay SPO1 Rebuldela.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

vuukle comment

ANABEL TABANIAG

ARMALITE

BARANGAY DACLAPAN

CHAIRMAN TERRAGO

CHAIRMAN WILLIE TERRAGO

EDUARDO DOPALE

ILOCOS SUR

ROMMEL REBULDELA

SENIOR SUPT

VIGAN CITY HALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with