Karambola ng 3 bike: 1 dedo
CAVITE , Philippines — Isang tinedyer ang iniulat na nasawi habang apat iba pa ang nasugatan matapos magkarambola ang tatlong motorsiklo sa Governors Drive, Brgy. Hugo Perez, Trece Martirez, City, Cavite kamakalawa. Kinilala ang namatay na si King Eduardo Arevalo, 18, ng Purok 2, Brgy. Luciano habang sugatan naman sina Mary Jane Alonzo, 18; Michael Marilao Herandino, 15; Jonathan Aliquino, 27, ng Santa Rosa City, Laguna at si Ruben Cabales, 26, ng Brgy. Inocencio, Trece Martires City. Ayon kay PO1 Eugene Estrella Baird, kabilang sa mga motorsiklo na sangkot sa karambola ay minamaneho nina Arevalo, Aliquino, Cabales.
- Latest
- Trending