^

Probinsiya

3 bulagta sa pamamaril sa KTV bar

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang iniulat na napatay habang isa pa ang sugatan matapos pagbabarilin sa loob ng KTV bar sa Barangay Mambaling sa Cebu City, kamakalawa ng madaling-araw.

Dalawa sa napatay na pawang tinamaan ng bala sa dibdib ay nakilalang sina Ramil Bayotas, 30, kawani ng Cebu Quality Electro-Plating, ng Barangay Buhisan; at Gilberto Sabijon, 25, ng Brgy. San Nicolas.

Patuloy namang ginagamot sa Cebu City Medical Center si Gely Ubas Laag, 28, construction worker at nakatira sa Barangay Lipata, Minglanilla, Cebu.

Nabatid na si Laag na nasa gilid ng kahera ng bar para magbayad ng kanilang bill ay tinamaan sa tiyan at hita.

Ayon kay PO3 Wetzel Berry, paalis na sana ang mga biktima mula sa inuman sa Limbaga KTV bar sa Bacalso Avenue nang pagbabarilin ng mga 'di-pa kilalang lalaki bandang alas-3:30 ng madaling-araw.

Mabilis na nagsitakas ang gunmen lulan ng motorsiklo habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

vuukle comment

BACALSO AVENUE

BARANGAY BUHISAN

BARANGAY LIPATA

BARANGAY MAMBALING

CEBU CITY

CEBU CITY MEDICAL CENTER

CEBU QUALITY ELECTRO-PLATING

GELY UBAS LAAG

GILBERTO SABIJON

RAMIL BAYOTAS

SAN NICOLAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with