Kawani ng munisipyo nilikida

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines – Napaslang ang isang 34-anyos na kawani ng munisipyo matapos pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army sa Barangay Gangao sa bayan ng Baleno, Masbate kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa dibdib si Samuel Drio matapos ratratin habang nagbibisikleta pauwi. Nabatid sa ulat na pinaghinalaang tiktik ng military at pulisya ang biktima kaya pinatahimik. Nakatatanggap ng pagbabanta ang biktima mula sa NPA subalit binabalewala hanggang sa makasalubong si kamatayan.

Show comments