Ina sinunog ang sarili
QUEZON, Philippines — Isang sunog na bangkay ng babae na pinaniniwalaang may diperensya sa pag-iisip ang natagpuan sa bakuran ng bahay nito sa Barangay Pury, San Antonio, Quezon kamakalawa ng umaga. Si Sonia Arias, 51, ay nakilala nang kanyang anak na si Angelito Arias dahil sa suot na tsinelas. Ayon kay PO2 Reneboy Briones, dakong alas-6 ng umaga ay naglilinis ng bakuran si Angelito nang mamataan ang sunog na bangkay ng babae na sinasabing kanyang ina. Binanggit ni Angelito sa pulisya na kamakailan ay naging pasyente ng National Mental Health ang kanyang ina at may ilang pagkakataon ding nagtangkang magpatiwakal subalit ito ay kanilang napipigilan. Patuloy pang inaalam ng pulisya sa pamumuno ni P/Supt. Rufina Baldovino ang motibo ng insidente.
- Latest
- Trending