2 nagbaril sa sarili, dedo

NUEVA ECIJA, Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na nasawi sa magkahiwalay na insidente ng suicide sa dalawang bayan sa lalawigan ng Nueva Ecija, ayon sa ulat ng pulisya. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Ro­berto Aliggayu, director ng Nueva Ecija PNP, nagbaril sa kaliwang dibdib si Anthony Castillo, 31, ng Purok Imelda, Barangay Cabu, Cabanatuan City, noong Martes ng gabi. Sinasabing dinamdam ni Castillo ang kinakaharap na kaso sa korte. Samantala, nagbaril naman sa ulo sa palikuran si Arsenia Lucas, 50, ng Barangay Caingin-Tabing Ilog, Guimba, Nueva Ecija. Ayon sa ulat, si Lucas ay sinasabing may sakit kung saan sinasabing hindi na matiis ang paghihirap kaya nagpakamatay. Nag-iwan ng suicide note sa kanilang pamilya sina Castillo at Lucas.

Show comments