CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Napaslang ang isang security guard habang aabot naman sa P.7 milyong cash ang nalimas sa mag-asawang Koreano sa naganap na holdap sa beach resort sa Barangay Pangpang sa bayan ng Donsol, Sorsogon kahapon ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Manuel Apuyan Jr., security guard ng Elysia Beach Resort at residente ng Barangay Tres Maria sa nasabing bayan. Lumilitaw na pinagbabaril hanggang sa mapatay si Apuyan ng mga maskaradong lalaki bago pumasok sa bahay ng mag-asawang Kim Sung Gun at Eun Song Yee na may–ari ng nabanggit na resort. Hindi sinaktan ang mag-asawang Koreano matapos limasin ang malaking halaga.